Monday, October 15, 2018

Dating Palaisdaan naging Solar Power Farm


Valenzuela Solar Power Farm
Ang dating malawak na palaisdaan sa pagitan ng Brgy. Arkong Bato at Brgy. Isla, Valenzuela City ay tinambakan. Ito ang kauna-unang SOLAR POWER FARM sa Metro Manila na pinapatakbo ng Valenzuela Solar Energy Inc. Binubuo ito ng 32,000 solar panels na nakapaglilikha ng 8.6 megawatts ng kuryente. Ang Brgy Isla Elementary School nabiyayaan ng libreng kuryente. 

Ang kabuuang produksyon nito ay ibinibinta for distribution sa MERALCO. Nagsimula ang operasyon nito noong Disyembre 2015. Dahil dito isa ang Valenzuela sa mga napili ng Galing Pook Foundation as one of the 10 local government units with outstanding governance programs.  

Nang dahil sa mabuting pamumuno ng Mayor ng Valenzuela na si Mayor Rex Gatchalian naturingan ang Valenzuela na“ the most business-friendly” among highly urbanized cities in the country by the Philippine Chamber of Commerce and Industry. Tatlong  magkakasunod na taon ng nabibigyan ng parangal ang bayan ng Valenzuela (2012, 2014 and 2015) malapit na sa “Hall of Fame”. 

Suportahan natin ang Clean and Renewable Energy Program  para sa mas malinis, ligtas at maunlad na kapaligiran. 

No comments: