Thursday, November 8, 2018

ANO ANG AMILYAR O ANG TINATAWAG NA REAL ESTATE TAX?



ANG REALTY TAX O TINATAWAG NA "AMILYAR" AY TAX O BUWIS NA SINISINGIL NG LOCAL GOVERNMENT (TOWN, CITY AND PROVINCES) PARA SA LUPA, BAHAY AT EQUIPMENTS NA NAKAKABIT DITO NG ISANG MAMAMAYAN. ANG HINDI PAGBABAYAD NG REALTY TAX O "AMILYAR" SA TAKDANG ORAS AY PWEDENG IBENTA NG LOCAL GOVERNMENT SA ISANG PUBLIC AUCTION SA IBANG TAO BILANG KABAYARAN SA BUWIS NA ITO.

ANG MAY-ARI NG LUPA AT BAHAY AY KAILANGAN MAREDEEM AT MABAYARAN ANG REALTY TAX O "AMILYAR" KASAMA ANG INTEREST, PENALTIES AT SURCHARGES SA LOOB NG ISANG TAON (1 YEAR) MULA SA PAG-KAKABENTA NITO SA PUBLIC AUCTION. KUNG HINDI ITO MABAYARAN SA LOOB NG 1 YEAR, ANG PAG-AARI NG LUPA AT BAHAY AY AUTOMATIC NA MALILIPAT SA TAO NA NAKABILI NITO SA PUBLIC AUCTION.

Ano ba ang "Amilyar" o Realty Tax na tinatawag?

Ang Realty Tax o "Amilyar" na tinatawag ay buwis o tax na sinisingil at binabayaran sa local government units like town, city or province para sa lupa, bahay at equipment na nakalagay dito ng isang mamamayan ng naayon sa Republic Act No. 7160 otherwise known as the Local Government Code. Ang basehan ng pagbabayad ng "amilyar" ay ang tax declaration ng lupa at bahay/building at mga equipment. Ang lupa ay binabayaran ang realty tax o amilyar nito at may separate o hiwalay na realty tax na binabayaran naman para sa bahay o building na nakatayo sa lupa na kung tawagin ay "improvements". Kung kaya ang lupa ay may sariling tax declaration at ang bahay o building ay may sariling tax declaration ganun din ang mga heavy equipment na nakakabit dito.

Ang realty tax o amilyar ay taon taon na binabayaran ayon sa schedule na pinapublish ng Treasurer's Office ng local government at kailangan bayaran ito sa takdang panahon. Kung hindi nabayaran ang realty tax na ito sa takdang oras, ang provincial, city or municipal treasurer ay magpopost a notice of the delinquency to be posted at the main hall and in a publicly accessible and conspicuous place in each barangay of the local government unit concerned. Ang notice of delinquency ay ipapublish din once a week for two (2) consecutive weeks, in a newspaper of general circulation in the province, city, or municipality ayon sa Section 254 ng R.A. 7160.

Ang NOTICE OF DELIQUENCY ay naglalaman ng warning sa may-ari ng lupa, bahay at equipment na bayaran ang realty tax, surcharges and penalties at kung hindi ito babayaran sa takdang panahon ay ibebenta ang nasabing lupa, bahay o equipment sa isang public auction at ang pag-aari at titulo nito ay ililipat sa nakabili nito kung hindi ito iredeem o bayaran sa loob ng isang taon mula sa pagkakabenta dito.

Ayon sa Section 261 ng R.A. 7160, ang may-ari ng lupa, bahay o equipment ay may karapatan na iredeem o bilhin muli ang nasabing lupa, bahay o equipment sa pamamagitan ng pagbayad sa local treasurer of the amount of the delinquent tax, including the interest due thereon, and the expenses of sale from the date of delinquency to the date of sale, plus interest of not more than two percent (2%) per month on the purchase price from the date of sale to the date of redemption. Ang redemption ay mababalewala ang certificate of sale issued to the purchaser and the owner of the delinquent real property or person having legal interest therein shall be entitled to a certificate of redemption.

Kung hindi nabayaran o naredeem ng may-ari ng lupa, bahay o equipment at hindi nabayaran ang realty tax, nasa Section 262 ang local treasurer ay mag-execute ng deed of sale conveying to the purchaser said property, free from lien of the delinquent tax, interest due thereon and expenses of sale at malilipat na ang titulo sa pangalan ng bumili nito sa public auction at siya na ang considered na may-ari nito.

Ang public auction o notice of deliquency ay pwedeng i-question at ipacancel sa korte kung may depekto ang pagkaka-issue nito o pagkakapublish o pagkakapadala sa may-ari ng lupa, bahay o equipment.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng public auction ng lupa under RA7160, etc. at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang linkhttp://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

No comments: