PIDABI History


MAIKLING TALA NG PINAG-ISANG DAMDAMIN NG ARKONGBATO INC. (PIDABI)
Ni Romeo L. Santos

Taong 1986 nang sumapit sa kaalaman ng maraming taga-Arkong Bato ang demolition na resulta ng Court Decision ng Supreme Court na final and executory: Natalo sa MTC, RTC, CA at SC sa kaso tungkol sa lupa laban sa B.E. San Diego, ang mga taga Arkong Bato ay nalungkot. Idedemolish kasi ang ilang tahanan sa nasabing Barangay na nakatirik sa lupa ng B.E. San Diego, na dating pag-aari ng mga unang Pilipino na namayan sa gawing iyon ng Arkong Bato, (Palasan pa noon) na idinonate nila sa simbahang Katoliko upang kanilang kaluluwa ay mapunta raw sa langit (Ayon ito sa aklat ni Dr. Jose Rizal). (Ang kaso ay nagsimula pa noong 1952. Iyon ang taon na ipinagbili ng simbahang Katolika ang mga lupain na dating pag-aari ng mga unang Pilipino). Ako noon ay walong taon pa lamang subalit mulat na ako sa mga nakikita kong kaganapan dahil sa aking tiyuhin na si G. Arsenio C. Lorenzo na isa sa mga unang namayan sa nasabing Barangay, na nanungkulan bilang Teniente del Barrio noong una. (Siya rin ang may kinalaman na mahiwalay sa Palasan ang ngayon ay kilala sa pangngalang Arkong Bato, at pagpapatayo ng panimulang silid-aralan ng PR San Diego noon, sa lupa na idinonate ni Otillo San Diego.

Nakita ko rin ang maraming beses na pagbabahay-bahay ng isang lalaki na may kwaderno: listahan ng mga pangalan at naniningil ng pera para pambayad sa mga gastusin sa husgado laban sa B.E. San Diego: ganito ang alam kong pangyayari ng walang saysay na labanang iyon sa husgado.

Marami ang lupain ng simbahang Katoliko na ipinagbili sa B.E. San Diego noong 1952. Mayroon sa MacArthur Highway (aywan ko lang kung saang lugar doon. Mayroon sa Akasya, sa Panghulo Malabon, Pangjulo Obando, Tinajeros, Malolos, Meycauyan, etc… ect…) At ang isa dito ay sa Arkong Bato, kasama ang ngayon ay Navarette. Nang panahong iyon ay dalawang piso at singkweta sentimos (P2.50) ang  bawat metro kwadrado  ng nasa McArthur Highway… limang piso (P5.00) ang metro kwadrado dito sa Arkong Bato. Bakit mas mababa ang halaga ng nasa pangunahing lansangan kaysa nasa loob na lupain? Iyan ang tanong ng mga tao noon. Sa palagay ko ay lubos na nawaglit din ang makatotohanang paliwanag at payo…

Dahil doon ay umabot sila sa husgado. Iyon ang alam kong dahilan ng pagbabanggaan ng magkabilang panig: Mga taga Arkong Bato laban sa B.E. San Diego Inc. hindi ko alam kung may iba pang dahilan.

Sa loob ng mahabang panahon ng paglalaban sa husgad, ang mga taga Arkong Bato ay natalo sa MTC. Pagkatapos ng apelasyon ay natalo rin sa RTC. Gayon din sa Court of Appeal. Hanggang sa KORTE SUPREMA, puro apelasyon na lagi namang talo. Humingi pa ng tulong sa ilang pulitiko. But the court decision is final and executory!

Siyanga pala, patuloy ang pagdami ng bahay sa Arkong Bato dahil sa talamak na pakikialam at pagbebenta ng rights…

1972. Nagsensus ang NHA sa Arkong Bato.

1986 nga, sa pangunguna ng Brgy. Captain Andres Feliciano Jr, (Kapitan noon) sa tulong ng mga taga Arkong Bato at pamahalaang bayan ng Valenzuela na si G. Willie Chongco, ang Alkalde noon; ng NHA sa pamumuno ni G. Gaudencio Tobias. Pinagusapan ang nasabing problema.  Nagpautang ang NHA ng halagang apat na milyong limang daan at tatlo at isandaan at walumpong piso (P4,503,180.00 milyon) para may ipagpaunang bayad ang PIDABI sa magiging kasunduan ng bilihan ng lupa nahuhulugan ng SAMAHAN sa loob ng isang taon, (Enero 1988 hangang Disyembre 1988) nagkaroon ng lagdaan ng bilihan para sa 7.2 ektarya ng lupa. Ang lumagda noon ay si Valenzuela POSTMASTER Pedro A. Feliciano, ang unang Pangulo ng samahan at Dra. Flora San Diego sa panig ng B.E. SAN DIEGO, INC.

Sumilang ang bagong pag-asa sa mga mamamayan, sumilang din ang pagiging Community self-help project ng NHA sa mga taga PIDABI. Ang mga namumuno noon (pagkatapos ng halalang ginanap sa tulong din ng NHA, 1986).

1987, sumailalim ng pagsasanay o seminar na may pamagat na LEADERSHIP TRAINING na sinuportahan din ng NHA ang SAMAHAN.

Maraming pagmimiting ang naganap: sa mungkahi ni G. Benito Deniega Sr. pinagtibay ang pangalan ng samahan na PINAG-ISANG DAMDAMIN NG ARKONG BATO, INC. na kung paiikliin, sa mungkahi ni G. Romeo Bartolome iyon ay tinawag na PIDABI.

Napakaganda ng Arkong Bato noon. May mga puno ng manga ang makabilang panig ng kalsada. Sino ang nakakaalam na mga tanim yaon ni Dr. Pio Valenzuela? Ang mga bukirin ay luntian ang kulay kapag panahon ng paglaki ng mga palayan. Paliparan ng mga saranggola at laruan ng baseball kapag naani na ang mga palay. Kayluwang ng bukirin!

Gayun din ang maraming looban ay may maraming mga punong namumunga: bayabas, sampalok, anunas, atis, makopa, suha, mabolo, santol, kamatsile, balimbing, manga. May mga lugar na may mga puno pa ng kawayan. Madaling mawala ang baha kapag bumabagayo o malakas ang ulan dahil hindi pa natatambakan ang dagat-dagatan o mga palaisdaan, maluwag na umaagos patungo sa Manila Bay ang tubig baha.

Ang Polo river ay bumabaybay sa maraming palaisdaan. Buhay na buhay sa paglangoy ang mga isda at hipon sa malinaw na tubig ng ilog at mga talangka na sumasabo. Malago ang mga punong bakawan, maraming iba’t ibang uri ng ibon ang nagliliparan paroo’t parito sa buong kapaligiran.

Iyon na nga ang taong 1986! Wala na ang aking kamusmusan. Idedemolis naman ang ilang tahanan sa Arkong Bato! Subali’t nakakatuwa na: Hindi naganap ang nakapanlulumong gibaan ng mga bahay. Tuwang-tuwa ako. Pakiramdam ko ay ipinagkaloob ng Diyos na huwag mangyari ito. Ipinayo ng NHA na magkaroon ng halalan.

Kasunod ng halalan, pinag-mitingan  ang pangalan sa samahan at pagpaparehstro sa Security and Exchange Commission . ipinagbili ng B.E. San Diego sa halagang isangdaang piso (P100.00) ang bawat metro kwadrado ang mahigit pitong ektaryang lupain sa bagong tatag na samahan – iyon nga ang PIDABI. Sa ngalan ng asosasyon pinasasalamatan naming ang NHA. “Hindi kayo umalis sa aming tabi noong panahong kailangang-kailangan naming ang inyong tulong!” Salamat din sa kaunting halaga na ipinagkaloob naman ninyo bilang grant para ipautang at pakinabangan ng mga mamamayan. Dahil hindi nagbayad ang maraming nangutang ay naisip ko na hindi akma sa pook na ito (nakakahiya mang sabihin) ang magtayo ng kooperatiba.

At sunod-sunod ang mga nangyayari sa buhay ng PIDABI. Iyon na nga, LEADERSHIP TRAINING. Sinundan ng pagkuha kay Engr. Restituto Bautista, nabuo ang subdivision plan. Nagtungo ang ilang engineer ng NHA at tinuruan ang mga opisyales ng samahan tungkol sa nabuong Subdivision Plan. Tinawagan ang lahat ng beneficiary mula block one hanggang block ten.upang pagtibayin nila ang nasabing plano bago ito dinala sa tanggapan ng Bureau of Land o DENR sa Quezon City.

Si Engineer Joseph A. Perida na ang nagpatuloy bilang sumunod na surveyor ng PIDABI. Ang date of survey ay December 19, 1988 hanggang January 30, 1989. Oktubre 25,1991ng aprubahan ni Engineer Isidoro Mundo ang nasabing Consolidation Subdivision Plan. Pagkatapos ng napakahaba at nakakainip na paghihintay, natapos din ang walang sawang follow-up sa Bureau of Lands nina Gng. Judith E. Diche.

Hindi rin kami nakalimutan ng munisipyo ng Valenzuela sa pamamagitan nina Gng. Violy Espena at Flor (di ko alam ang apelyido na kasama niyang palagi na noon ay tanggapan ng UPAO.

Nagkaroon din ng MOA sa pamamagitan ni dating punong bayan Romeo Llenado. Nagkaroon din ng Deed of Donation sa pagitan ng DOH at asosasyon na 200 m2 na kinatitirikan ng Health Center ngayon. Iyon lamang ay may Deed of Donation sa mga open space na pag-aari ng PIDABI. Nahati sa tatlong bahagi ang open space na pag-aari ng PIDABI: 1. Covered Court – walang deed of donation. 2. Lupang kinatitirikan ng opisina ng PIDABI. 3. Lupang iniskwatan ng Day Care Center ng Barangay na tumakip sa foot path ng PIDABI na patungo sa kabilang kalye at ng bahay nina Noli Gurduiz at Roda Bartolome. Bukod sa mga residential lots ay may mga titulo rin ang 11 roads lots at 51 foot paths na nakapangalang lahat na PIDABI. Idagdag pa ang 602 na residential lots, kasama ang naipagbili sa Green Leaves Properties Inc. (GLPI.

Ang malungkot ay may ilang beneficiary ang binawi ang kanilang naihuhulog na para sa kanilang magiging lote sana. Palibhasa ay hindi sila naniniwala nang panahong iyon. Ipapuputol daw ang labis sa kanilang mga daliri at ipapuputol ang kanilang ulo kapag nagkatituloo ang mga lote ng PIDABI.

Unti-unti, naparam ang mga alingasngas. May bagong paniniwala na ang lupang iyon na 7.2 hectare ay pagaari ng Gobyerno.  Samakatuwid ay hindi pag-aari ng asosasyon . Kung sinu-sinong sinungaling ang nagsaysay nito…. Hindi lamang ang grupong Ugat ang nagpakalat ng haka-hakang iyon. Di ba masama ang magsinungaling? Hanggang matuklasan ng PIDABI sa tanggapan ng Meralco at Maynilad ngayong taong 2016. Lupang gobyerno ang kanilang pamalita. Nang makita sa Meralco ang mga titulo ng PIDABI, NANIWAL SILA na PIDABI  nga ang nagmamay-ari  ng 7.2 ektaryang lupain.  

Taong 1993 nang ako bilang pangulo, ay niloob ng Diyos na maging Pangulo sa nasabing eleksyon ng samahan. Na hindi ko kailanman inisip o binalak dahil ayoko. MARAMI KASING SAKIT NG ULO. Isa na rito ang kawalang habas  na mapanirang dila. Ang pagalimura sa aking pagkatao.

Na ipinagawa ko raw ng bahay ko ang pera ng PIDABI. Na kailangan ko na naman dawn g pera kapag nagpapadala ako ng mga paalala para bayaran ang kanilang mga bayarin sa asosasyon. Sa kabilang dako ay walang habas naman silang nagbebenta ng lote o right para sa kanilang mga pansariling kapakinabangan.

Ipinagkaloob ng Diyos na huwag kong intindihin ang nasabing pandurusta. Patuloy kong nilimi ang problema ng PIDABI.

Una rito ay ang malaking pagkakautang sa NHA. P 4,503,180.00 lumubo na dahil hindi na nahulugan, walang gasinong nagbabayad dahil hindi na nahulugan, walang gasinong nagbabayad dahil sa paninirang nilikha ng UGAT. 34 na mother title ang noon ay hawak ng NHA bilang sanla sa pagkakautang. (Ang nasabing halaga ang ipinag-downpayment sa B.E. San Diego dahil sa ipinagbiling 7.2 hectares na lupain kasama ang palaisdaan. Kaya ang 34 mother title ay nagkaroon ng tatak ng mortgage in favor of NHA as first mortgage.

Pangalawang problema ay ang utang sa B.E. San Diego. Ang 34 mother title ay may tatak din ng mortgage in favor of B.E. San Diego as second mortgage  dahil nga sa hindi nahuhulugang balance. P2,251,590.00. ipinagbili sa  Green Leaves Properties Inc. ang mahigit dalawang ektarya na palaisdaang pag-aari ng PIDABI sa halagang anim na milyong piso. At yaon ay naganap noong 1997 matapos ang pagsasauli ng pera sa mga nag-apply na hindi naman regular na nagbayad.

Magkasama sa opisina ng PIDABI sina Dra. Flora San Diego at Gng. Lita Gutierrez na kinuha ang 5% na komisyon sa pagkakabenta  sa GLPI na mahigit 2 ektaryang palaisdaan na P300,000.00.

Nang 1994 ay humugos ang mga kasapi na tumugon sa panawagan na magbayad sila nang buo sa halaga ng kanilang mga lote sa halaga ng kanilang mga lote sa halagang P169.35 bawat metro kwadrado at sila ay hindi na mapapatungan ng interest sa balance sa B.E. San Diego.  Hindi naman sila nag-atubili. Hanggang ika-12:00 ng hatinggabi ng huling araw ng 1994, bagong taon, ay dinig pa ang putukan ng mga rebentador sa paligid ng opisina sa PIDABI. Mayroong binasag ang mga alkansya para ibayad.

Dahil doon ay nagkaroon ng pondo sa Security Bank na mahigit apat na milyong piso. Ang bahagi niyon ay naipuno sa kakulangan sa utang sa NHA. Tagumpay sa unang problema. Salamat sa Diyos! Salamat sa GLPI  at sa pamumuno ni G. Cesar Ilagan, ang kabalikat ng GLPI nang panahong iyon. Marso 27, 1998 nang matubos ang 34 mother title sa NHA sa kabuuang halagang P5,609,409.78, bukod ang partial payment na halagang P1,325,375.00. P6,934,784.78 ang kabuuang pinagbayaran sa NHA sa huli.


Ito ang Escrow Certificate na ipinaisyu noon ng Green Leaves Property Inc. (GLPI) para bayad sa lupa. Una nang naideposit sa PIDABI ang P500,000.00. Ang kalabisan na P128,484,48 ay tinubo ng pera at nasa GLPI.


Ang tatak pagkasanla nito na first mortgage di naglipat araw ay kaagad ipinakansela ng PIDABI sa Register of Deeds ng Valenzuela.

Hindi inaprubahan ang aplikasyon sa NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORPORATION (NHMFC) na idagdag ang utang B.E. San Diego na lumobo dahil sa tubo. Kaya ang nangyariay tumutok ang PIDABI na mag direct buying. Kaya nawalan din ng saysay ang mga pagaasikaso sa documentation ng mga kasapi. Mabuti na lamang at nareject nab ago nabaha ang mga dokumento, ang hapdi ng kabiguan ay natanggap nina Gng. Judith E. Diche bilang namahala sa pagsasaayos ng maraming papeles. Kasama rin sa tumulong noon si Gng. Carmelita Serrano, PRO, at ang mga taga NHA.

Sumunod ay ang balance sa B.E. San Diego.

Nagkaroon muna ng MOA  sa pagitan ng samahanat at ng landowner. Ngunit bago iyon lagdaan ay…. Humiling si Dra. Flora San Diego: kapalit ng kanyang paglagda sa nasabing MOA ay kailangang magbawas ng utang asosasyon na halagang P2,800,000.00 (dalawang milyon at walong daang libong piso). Nang panahong iyon 1997 ay umabot na sa mahigit pitong milyong piso ang kabuuang pagkakautang. (Hindi nagbabawa ang haka-haka at paninira. Gayon pa man, kahit dumalang ang mga kasapi na naghuhulog sa kanilang mga lote ay nagpatuloy ang mga namumuno sa  PIDABI. Ang pangako noon ni Postmaster Pedro A. Feliciano ay: magbayad lamang ang mga kasapi sa samahan, sa bandang huli ay magkakaroon kayo ng kaukulang Titulo ng lupa. Ganoon din ang aking sinundan na paniniwala… Nagwithdraw ng pera sa banko sina Gng. Judith E. Diche.

At ang kasunod ay ang paglagda sa MOA. Ang MOA ay nagbibigay ng proteksyon sa mga kasapi ng  nagfull payment at iba pa.

Subalit ang problema ay naroon pa rin. Lumolobo ang balance ang balance sa pagkakautang dahil hindi regular na nahuhulugan. Madalang lamang ang nagsisibayad sa kanilang mga lote. Subalit marami pa rin ang mga naka-fully paid. Hulyo 2014, dito dumating si Gng. Tess D. Sarabillo (na ayon naman sa iba ay ginulo lamang daw ang PIDABI). Siya ang pinili ko pa naman na magsagawa ng pagpapatitulo ng kanyang nanay at mga kapitbahay at dumami na nang lumaon. E… sino ba talaga ang nanggugulo sa PIDABI.

May mayamang nangutya at humusga na “hindi na makakabayad sa utang ang PIDABI at hindi na magkakatitulo!”

Mayroon din opisyales na nais alisin sa PIBABI si Gng. Tess D. Sarabillo.

Ngunit may isang pangyayari na hindi maiwasang gawin ang PIDABI. Napunta ako noon ng bansang Canada dahil sa hiling ng aking mga anak. Syempre iyon ay sa gastos nila. Kaya lang nalulungkot ako sa paratang ng ilang taga PIDABI sa akin, “Dinala ko sa Canada ang pondo ng PIDABI at hindi na raw ako babalik”.

Habang nasa Canada patuloy ang aming communication ni Gng. Tess Sarabillo.
       
Sa aking pagbabalik sa Pilipinas pagkalipas ng anim na buwan, di ko alam kong papaano ako matutuwa!

Tumambad sa aking paningin ang nakasabit na Certification of Full Payment ni Dra. Flora San Diego, na nagsasabing fully paid na ang PIDABI sa lahat ng pagkakautang. Nakakuwadro pa!

 Ngayon ay makikita rin at mababasa na nakasabit na sa dinding ang mga kuwadro ng Vicinity Map ng lupain ng PIDABI, SEC Registration, HIGC Registration, HLURB Certification, HLURB Registration of Officers, Master List of Beneficiary with individual lot title… etc… etc…

 Tinanong ko rin ang aking sarili. “Nagkamali nga kaya ako kay Gng. Tess D. Sarabillo sa paglalagay sa kanya bilang caretaker ng PIDABI habang ako ay nasa Canada?”  Inisip ko e… sya ang nagsinop ng lahat ng ito. Bukod doon, may iba pa syang mga  nilakad tulad ng filing of Financial Report sa HLURB at iba pa.

Hindi nga kaya ako nagkamali? Ikaw, hindi kaya nagkamali nang ipalakad mo ang tiulo ng iyong lote?
Hanggang maisalin sa iyong pangalan? Nakakalungkot isipin na may mga tagapakinabang na dumanas ng pagtaas ng halaga  ng lupa mula sa P169.35/sq, meter, ikalawa ay P300/sq.meter, at ang huli ay P1,900.00/sq.meter.

Hindi ko mapigilang gunitain...

Nararamdaman ko noon kasi, napipinto ang pagdedemanda ng B.E. San Diego sa PIDABI ang “foreclosure”. Tiyak na matatalo ang PIDABI dahil sa hindi nababayarang lumalaking pagkakautang. Ang P2,251,590.00 pesos ay nakatatak sa mga titulo bilang utang na babayaran sa loob lamang ng isang taon – nilipasan ng 28 taon mula 1988. Iyon ang buong magpapahamak sa PIDABI. Enero 1998 hanggang Disyembre 1998 lamang ang kasunduan ng pagbabayad. Ang utang ay umabot sa P13,894,790.33 milyong piso nang taong 2014. Bakit hindi maaaburido ang pamunuan sa mga nagwawalang bahala na kasapi raw ng PIDABI. Dagdag pa ang nagsasabi ng kung anu-ano. May masama ba sa sobrang bait? Si Dra. San Diego ang mabait.

Ano ang mangyayari kung hindi sinubaybayan ng Diyos ang PIDABI? Kung hinayaang matuloy ang pagdedemanda ng B.E. San Diego magkakadamay-damay ang lahat ng kasapi, bayad man o hindi.

Mareremata ang 7.2 ektarya ng lupain at muling mababalik sa dating may-ari. Mawawalan ng saysay ang MILYONG PISO na naibayad na ng PIDABI. Maiiwang luhaan at nakanganga ang lahat ng kasaping fully paid na. 

Sumaisip namin ang matinding pag-aalala. Kailangan din naman ay isang matinding paraan. Ayaw ng pamunuan na maging katawa-tawa sa mga nagbabagsak sa PIDABI, hindi iyon kaila sa amin. Nakakaawa  ang reaksyon sa mga mukha ng komunidad sa isang miting minsan.

Humanap ang PIDABI ng mga kasapi o hindi man kasapi na may kakayahang magpaluwal sa mga beneficiary na hindi nagbabayad sa kanilang mga lote. (Ang una ay SAKRIPISYO at dalawang kaanib lamang ang tumugon at nauwi lamang sa wala). Ngunit hindi ang sumunod na pagtatangka. At ang binayaran sa B.E. San Diego noong Oktubre, 2015 ay P13,894,790.33. kasama ang lahat ng binayaran noong una at mga interest. Napahinuhod ang mga kaanib na may kakayahang pinansyal, tumulong sila at inabonohan ang lote na hindi nababayaran ng mga dapat magbayad dahil sa kung anu-anong kadahilanan nila.

Mayroong hirap sa buhay. Mayroong  nagpapagawa muna ng bahay. Mayroong gumagastos muna ng malaki sa kanilang mga birthday. Mayroong naniniwala na wala silang obligasyon sa samahan. May mas naniniwala pa sa kanilang kapitbahay at pulitiko na ito ay lupang gobyerno. Hindi raw sila mapapaalis sa nasabing lote dahil matagal na silang naninirahan doon. Tumaas  ang halaga ng bawa’t metro kwadrado ng lote. Hindi lamang ang zonal value sa BIR ngayong 2016.

Ang unang zonal value ay P1,900/metro kwadrado. Ang pangalawang pagtaas ay P3,000/metro kwadrado at ang pangatlo ay P3,200/metro kwadrado at P6,000/metro kwadrado sa isang bahagi ng lupain ng PIDABI. Hindi naming masabi kung kalian muling magtataas ng ZONAL VALUE ang BIR.

Mula sa P169.35 bawat metro kwadrado noong taong 1994 (sa PIDABI) na naging P300/metro kwadrado mula nang 2008, pagkalipas ng 28 taon ng naghihintay (mula1987) sa pagbabayad ng mga kasaping iyon, nagbuo ng resolusyon ang buong samahan  na “pagkalipas ng Disyembre 31, 2015, ay magiging P1,900/metro kwadrado”.  Ang bahagi ng koleksyon ay nakatulong ng malaki sa pagbabayadsa balance sa B.E. San Diegotulad ng processing fee, monthly  dues… na ibinayad din sa interest at honorarium, pangsweldo sa Documentation officer na si Gng. Tess D. Sarabillo na syang nagpatitulo sa mga kwalipikadong Taga-pakinabang at patuloy hanggang sa panahong ito. Kaya lang ang mga nagpaluwal ang desisyon na itulad sa bagong halaga ng PIDABI na P1,900/metro kwadrado . 30 buwan na maghuhulog ang mga pinagpalawalan. Nagtakda pa ang PIDABI ng moratorium. Mananatiling P300 bawa’t metro kwadrado ng lote hanggang Disyembre 31,2014. Nabanggit ko na nga ang tungkol sa Certificate of Full Payment na nilagdaan at ipinagkaloob sa PIDABI ni Dra. Flora San Diego noong taong Nobyembre 6, 2015.

Narito ang katibayan.


Certification of Full Payment


Nababayad na ng amilyar ang mga kasapi… hindi na sila iskwater!

Sa ngayon , ang higit na nakakagalak ay ang katotohanang natupad ang binitawang salita noon ni Pangulong Pedro A. Feliciano. Kahit sya ay yumao na (Hunyo 25, 2005) ay parang naririnig ko pa rin ang kanyang tinig habang kami ay nakikipagmiting sa mga kasapi: “magbayad lamang kayo sa halaga ng inyong mga lote, magkakaroon kayo ng mga titulo ng lupa ninyo.” Na ipinagpatuloy lamang ng PIDABI ang mithiing yaon.

Gusto ko sanang idugtong na pwede naman siguro at ito ay alay ko sa mga nag-aalinlangan: “Hindi gawa sa Recto ang titulo! Basta ang alam ko at matibay itong paninindigan sa aking kalooban na ito lamang ang kaya kong salitain dahil walang titik na maaaring maglarawan sa Kanya. Tanging pasalamat lamang ang masasambit para igiit ang katotohana.  Na hindi pinabayaan ng Diyos ang isang bahaging ito ng daigdig, alam naming pagkalipas ng napakaraming taon matapos ang pagkatatag ng PIDABI ay patuloy Siyang kumakalinga sa SAMAHAN at parang inalagaang puno na namunga yaon. Salamat sa mga nakasama sa pamunuan, salamat sa may mabubuting isipan na mga tapat na kasapi, BUHAY MAN O SUMAKABILANG BUHAY NA. salamat sa lahat ng mga DAPAT sa pasasalamat na ito na mga kasapi at opisyales. Sa NHA, sa B.E. San Diego Inc., sa GLP Inc., sa mga taga munisipyo ng Valenzuela,

PURIHIN ANG PANGINOON! SA KANYA ANG LAHAT NG KAPURIHAN AT KARANGALAN… SUMAATIN NAWA ANG KANYANG PAGPAPALA…

Maraming salamat po,

No comments: