Tuesday, November 6, 2018

Pagpupugay



Pagpupugay sa lahat ng mga kasapi ng PIDABI higit sa lahat sa mga namumuno at nangangasiwa mula pa noon hanggang sa ngayon... ang kanilang walang humpay na paggawa ng mabuti upang maitaguyod ang adhikain at layunin ng samahan. Ngayon ay nagkaroon na ng katuparan  ang pagkakaroon ng sariling lupa ang mga myembro.

Hindi biro ang mga pinagdaanang  hirap at sakripisyo  ng mga namuno sa atin hanggang  sa kasalukuyan. Tahimik silang gumagawa na hindi na kailangan pang magmalaki para sa kanilang mga sarili. Sila ang mga tunay na naglilingkod sa bayan. Bagama’t nababatikos walang nakapagpigil sa kanilang misyon upang makamtan ng lahat ng myembro na magkaroon ng sariling lupa ang lahat na matatawag na pag-aari niya. 

Ngayon natupad na sa tulong at gabay ng Diyos. Lahat ay nagtagumpay!

Maraming salamat po sa inyong lahat!

No comments: